"Lagi't lagi, ito'y pakikibaka
Sa sarili at sa kapaligiran--
Maging mapanuri at mapagmatyag;
Alamin ang katotohanan;
Isabuhay ang binibigkas--
Manindigan!"-
FILIPINO-ENGLISH
TRANSLATION:
I thought you were mine.
I was in bliss,
While I was with you.
Yet, I shouldn't have been;
Because, it was never meant,
To go, anywhere.
You were, simply, an illusion.-
Ihagis sa madilim na kawalan
Ang nagliliyab na ngitngit;
Hayaan itong maging ilaw
Sa tatahaking kinabukasan.-
Mga bitak sa lupa na animo'y inukit
Ng tagtuyot na dumapo sa kalahatan;
Mga mariing hikbi na pilit pinipigil
Sa bawat paghuni
Ng pangal nang orasan;
Mga talang kumikislap at nagliliyab
Sa gitna ng nakalulumong katahimikan--
Marahil, ang mga ito lang naman ulit
Yaong mga mahahalagang palatandaan
Ng isang marubdob na tunggalian
Na malapit nang danasin
Nitong pusong lugmok
Sa walang humpay na pag-aamok
Laban sa mga multo ng nakaraan.-
heto lang naman kasi 'yon; wala
nang iba, heto lang; 'pagkat ikaw
ang unos, na pilit bumubuhay, sa
nahihimbing kong diwa't tagong
pagsinta;
pilit mo akong kinakamtan;
sa kabila ng aking taimtim na
pangongontra; sa 'yo syempre;
'pagkat hindi isang katulad mo,
ang wari kong tunay na nababagay;
sa isang hamak na ako;
hiling ko'y layuan mo na lang ako;
kailanma'y 'di tayo magkakaroon
ng panahon; pag-ibig mong inaalay;
'di nararapat sa tulad ko;
'wag. 'wag na lang kasi ako;
'di ako sapat, 'di rin magtatagpo;
sa tema ng panahong ito;
dito, kung sa'n nilulupig at kinikitil
lamang; ang sumisigaw ng
napakalakas--tulad ko.
naturalmente.-
Mahal kita alam mo ba?
Hindi ako bulag,
Hindi ako bingi,
Gusto ko lang iparating sa iyo na mahal na mahal kita...-
When someone asked " what is your height? "
Then u answered " 4'11"
Just suddenly u heard him laughed.
!!!!
And the only thing u can say.
"Mostly Filipino is short ! OK! "
Its really annoying!!
-