19 APR 2019 AT 20:42

Magandang Ganda

Ano ang kagandahan?
ito ba’y tula, awit
pangarap, pag-asa
buhay, at pag-ibig.

O baka ito rin ay
dita, bikig, lason
kamandag, patalim at
gintong kabaong.

Dahil sa karikta’y
may walang nabuo
may dapang bumangon
may buong gumuho

Ang ganda ay naririnig
sa hikbi't halakhak,
sa pait at tamis
siya'y malalasap.

Ang ganda’y matalinghaga
maanyo't makulay
minsa'y paraiso't
kung minsa’y libingan.

- mikol