gusto kitang dalin sa dagat
para mabawasan ang bigat
magtampisaw
manood ng paglubog ng araw
ibulong mo sa hangin ang lahat
ipaanod mo sa tubig ang sakit
masdan mo ang ganda ng dagat
maalat na balat at lagkit
dala ng tubig alat
sana mapawi ko man lang
ang bigat na yong dala
ayokong malungkot ka
kahit nagkakatampuhan paminsan
ako ay iyong kaibigan
lagi mong tandaan-
Minamaliit, Minamata
Dahil ba ako ay isang Eva?
Gawaing panlalake hindi daw kaya
Dahil ba nakasuot ako ng saya?
Di na kailangan
Patunayan o magpagalingan
Dahil ang babae san mang larangan
Walang inaatrasan at sinusukuan
Nakasuot man ng saya
Lahat naman ay kinakaya
Bagyo man ay nagbabadya
Laging nakahanda
Malambot man ang puso
Kahit naaabuso
Walang planong sumuko
Matapang at malakas hanggang dulo
Babae ako, hindi babae lang !-
Yung salitang iglap
Hindi ko alam ang kahulugan
Pero noong araw na
Wala ka ng paramdam, batid ko na
Ramdam ko
Ramdam na ramdam
Bigla mong pagkawala
Bigla mong panlalamig
Hindi ko alam
Kung kailan
Kailan ka nagsawa
Kailan ka napagod
Kailan nawala
Nawalan ng gana
Sa ating dalawa
Hindi ko naisip
Na hindi mo na pala ko
Kayang piliin sa paglubog ng araw
Mahirap na ako nalang pala mag isa
Mag isa sa pagkagat ng dilim-
Yung salitang iglap
Hindi ko alam ang kahulugan
Pero noong araw na
Wala ka ng paramdam, batid ko na
Ramdam ko
Ramdam na ramdam
Bigla mong pagkawala
Bigla mong panlalamig
Hindi ko alam
Kung kailan
Kailan ka nagsawa
Kailan ka napagod
Kailan nawala
Nawalan ng gana
Sa ating dalawa
Hindi ko naisip
Na hindi mo na pala ko
Kayang piliin sa paglubog ng araw
Mahirap na ako nalang pala mag isa
Mag isa sa pagkagat ng dilim-
Kaya mo bang iguhit ung bigat at linya ng buhay?
ung ingay at gulo ng isang mundo
ikaw kamusta ka?
kaya bang iguhit ung komplikadong
ikaw at ako?
ikaw sa mundo ko pero wala ako sa mundo mo
tumugon ka
gagawa tayo ng sarili nating mundo
kung saan ikaw lang at ako
kung saan pwede mo kong yapusin ng madiin
sasama ba ko sayo
at susugal
kahit alam kong sa dulo
ako ay talo-
ang dami kong sana
sana nalaman ko na agad
sana nakita ko nung umpisa
sana hindi na ko lumingon para di ka nakita
sana sa susunod
wag ka ng tutugon
para hindi na umayon
sa ating dalawa ang alon
nilikha ng panahon
ang linya ugat at sagot
sana narinig ko man lang ang dahilan
sana sinabi mo man lang para aking nalaman
sana sinubukan mo man lang
baka sakali maunawaan at maintindihan
sana hindi na lang nagbitaw ng matamis na pangako
dahil lahat yon isinaulo ko
kinabisado ko
bawat oras at araw na nabuo
ngunit ngayon ay nadurog at nawasak
dahil sa biglang paglaho
sana naisip mo ako
dahil araw araw
tinatanong ko
anong mali ko
anong kasalanan ko
bakit kailangan iparanas mo sa akin 'to?
yung saya na ipinaramdam mo
napalitan ng pait at pagkabigo
sana sa susunod na ating pagtatagpo
nakangiti ka at matagumpay sa buhay
wala akong ibang hiling
kundi ang tunay na kaligayahan mo
At sana hindi na lang ako-
Iba't ibang tao
Iba't ibang kwento
Ng bawat pilipino
san mang dako ng mundo
Sakripisyo
Na kailangan ng dedikasyon at tatag ng puso
Upang pangarap ay maabot
May mga pinapalad
Mayroon din naabuso ng amo
Minsan ay may nasasawi
Para sa kapalit na maliit na salapi
Iniisip ng marami
Kapag nasa ibang bansa
Dolyar mo ay anong dami
Ngunit iyon ay maling mali
Hindi nila batid
Ang unan mong basa ng luha gabi gabi
Higaan mong kay sikip
Kwarto mong kay dilim
Putok mong labi dahil sa lamig
Balat mong sunog dahil sa init
Pawis mong natutuyo
At kalam ng tyan
Pangungulila sa pamilya
Kalungkutan ang dala
Hirap at sakit pilit kinukubli
Sa likod ng halakhak
At matamis na ngiti
Magandang kinabukasan ang tanging hangad at pangarap
Kaya sa ibang bansa ay tumulak
Upang pamilya ay maiahon sa hirap-
sa tuwing magkakausap tayo
pinagmamasdan ko
yung lalim at lungkot
sa mata mo
bawat guhit at linya
sa iyong mukha
mga ngiti mong nangungusap
at ang tawa mo na
sa akin ay musika
san nga ba ang umpisa
gitna o may katapusan
man
gusto kitang pasalamatan
sa pagpawi ng aking
kalungkutan
ikaw na ba ang buwan
na magsisilbing
liwanag at makakasama
aking tatahaking daan-