Tanghal...! SALUTE with ARMS.
-
ang pinakamainam na magagawa mo para sa sarili mo ay ang magpakatotoo
walang kapayapaan na dulot ang mabuhay sa balatkayo
-psykolokoy
-
P - aaralan, kung saan aking sinimulan,
A - ng tungkol sa mga kaalaman.
A - ng nagpakawala sa kamuwangan,
R- umeserba sa magandang kinabukasan.
A - ng nagbigay ng karapatan,
L - aan para sa mga kabataan.
A - tin pang isa sa mga tahanan,
N - a siyang tawag ay Paaralan.-
ang masama sa pagtulong sa kapwa ay kung ikaw na ang napapasama sa pagnanais mong makatulong sa iba
dahil ang tingin nila sa iyo
ay masamang tao
-psykolokoy
-
Damdamin ko'y natutuwa, sa nalalapit na pagsasama..
Lungkot ng distansya'y maiibsan na..
Gustong madama init ng iyong yakap..
Gabi'y magiging puno ng saya at galak..
Lumamig ang ihip ng hangin..
Ang aking mga mata ay tila may buhangin..
Kasabay ng ingay ang pagsabog ng aking damdamin..
Ang dating nagbigay liwanag ay nagsilbing dilim..
Natapos ang gabing tahimik..
Hindi maipalawanag ang nadaramang sakit..-